Kaibigan, kasintahan 'persons of interest' sa Sinulog party teen death | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaibigan, kasintahan 'persons of interest' sa Sinulog party teen death

Kaibigan, kasintahan 'persons of interest' sa Sinulog party teen death

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 24, 2019 09:06 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ginawa nang persons of interest ang kasintahan at mga kaibigan na kasama ng dalagang namatay sa hinihinalang drug overdose sa isang concert sa bisperas ng Sinulog Grand Festival sa Cebu City.

Ayon kay Philippine National Police Region 7 director Chief Superintendent Debold Sinas, patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang boyfriend at mga kaibigan ng namatay na si Ashley Abad, 19, para magbigay-linaw sa nangyari.

Ayon kay pa kay Sinas, naghihintay sila ng reklamo para mapatawag ang organizer ng concert kung saan namatay ang dalaga.

Base sa nakuhang death certificate ng PNP Region 7, drug overdose ang ikinamatay ng dalaga pero gustong isailalim ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa autopsy ang bangkay ng biktima.

ADVERTISEMENT

Ayon kay PDEA Region 7 director Wardley Getalia, ito ay para malaman kung totoong na-overdose ito sa droga at anong klaseng droga ang naging dahilan ng pagkamatay nito.

"Marami kasing klase ang tinatawag nating party drugs. Ecstasy ba? Usually ang trend nga ay hinahalo-halo pa iyan sa ibang klase ng drugs," ani Getalia.

Noong Enero 19, bigla umanong nag-collapse si Abad habang dumadalo sa concert noong bisperas ng Sinulog Festival. Isinugod pa si Abad sa ospital pero namatay rin ito.

Tumangging magpaunlak ng panayam ang mga magulang ng biktima, pero nauna nang sinabi ng tiyuhin ni Abad na si Benny, na maaaring nahaluan ng party drugs ang inumin ng kaniyang pamangkin.

Tumanggi rin siya sa mga paratang na gumagamit ng droga ang kaanak.

-- Ulat ni Joworski Alipon, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.