12 anyos na babae, ginilitan sa Caloocan

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2019 02:49 AM | Updated as of Jan 24 2019 07:45 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA (UPDATED) — Patay ang isang 12 anyos na babae matapos gilitan sa leeg sa loob ng bahay sa Barangay 171, Caloocan City.

Ayon sa tatay ng biktima, alas-4 ng hapon Miyerkoles nang dumating ang kasambahay nila sa bahay at nakita ang biktimang duguan sa kanilang kusina.

Nakuha sa crime scene ang isang kutsilyo. Napag-alaman na nawawala rin ang dalawang cellphone sa loob ng bahay.

Pero ayon sa pamilya, wala namang nakitang forced entry sa bahay.

Walang kasama sa bahay ang bata nang mangyari ito. Maaga kasi siya nakauwi dahil half-day sa eskuwelahan.

Nagtatrabaho ang magulang niya sa Maynila. Ang isang kapatid ay may pinuntahan naman, habang ang isa ay nag-aaral din sa Maynila.

Bago ang insidente, dumating umano ang tiyuhin ng biktima sa bahay para maligo.

May hawak nang tatlong persons of interest ang pulisya.

Pagtangkang rape ang isa sa mga sinisilip na motibo sa krimen, ani Senior Inspector Harold Melgar ng Caloocan police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.