TINGNAN: 17-talampakang pating, inanod sa dalampasigan ng Aurora | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: 17-talampakang pating, inanod sa dalampasigan ng Aurora

ABS-CBN News
Published Jan 24, 2018 11:52 AM PHT
|
Updated Jan 24, 2018 05:55 PM PHT

MANILA - Inanod sa dalampasigan ng Dipaculao, Aurora ang bangkay ng isang 17-talampakang pating ngayong Miyerkoles.

Natagpuan ng mga mangingisda ang dambuhalang lamang-dagat pasado hatinggabi sa baybayin ng Barangay Lobbot, ayon sa rescue worker at volunteer reporter na si Eddie Rebueno, na nagbahagi ng mga larawan nito sa ABS-CBN News.

Posible aniyang napaaway ang pating sa ibang lamang-dagat.

"Wala po siyang sugat, pero para po siyang may bleeding galing loob. Parang 2 ngipin niya po ang natanggal," ani Rebueno sa panayam ng ABS-CBN News website.

"Saka iyung nguso niya po gasgas. Iyung parte niya pong leeg, parang binugbog nang binugbog nung kalaban kaya siya nagkaroon ng bleeding."

Nai-turnover na ang pating sa Department of Agriculture, sabi ni Rebueno.