‘Overkill na’: Pagposas, pagsipa sa lalaki sa clearing ops iimbestigahan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Overkill na’: Pagposas, pagsipa sa lalaki sa clearing ops iimbestigahan

‘Overkill na’: Pagposas, pagsipa sa lalaki sa clearing ops iimbestigahan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Iimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government ang nangyaring marahas na clearing operations sa Parañaque City.

Nag-ugat ito nang makipag-agawan umano ang Parañaque Task Force ng kariton sa residenteng si Warren Villanueva.

Pinadapa, hinawakan ang leeg, pati ang mga paa, ipinosas, at sinipa sa mukha si Villanueva.

Umani rin ng sari-saring reaksiyon sa social media ang pag-aresto kay Villanueva. Giit ng ilang netizen na mailap ang katarungan para sa mahihirap.

ADVERTISEMENT

Nadismaya si DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sa nangyari.

“Huwag sana ganyan dahil unang una not unless nasaktan kayo not unless na ipagtanggol nyo sarili niyo, lalo na nag-iisa lang yan ang dami dami nyo hesusmaryosep hawakan niyo lang yan. Hindi na kailangan isubsob, ingudngud tapos sipain yung ulo, e mukha yata na-over kill na yan,” ani Diño.

Babala ng opisyal sa mga nagsasagawa ng clearing operations na masasangkot sa gulo at hindi magpapatupad ng maximum tolerance na maaari silang sampahan ng reklamo.

Ayon kay Diño, maaaring kasuhan ng grave abuse of authority, at unbecoming of a government employee ang mga sangkot.

Hindi na humarap sa ABS-CBN News si Villanueva dahil nagtatrabaho siya. Pero giit ng kaniyang mga kapitbahay na mali ang paraan ng pag-aresto sa kaniya.

Sabi naman ni Diño, tutulungan niya ang biktima kung nais nitong magsampa ng reklamo.

— Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.