TIPS: Paano mag-iingat kontra coronavirus? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TIPS: Paano mag-iingat kontra coronavirus?

TIPS: Paano mag-iingat kontra coronavirus?

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 20, 2020 03:12 PM PHT

Clipboard

Pinagsusuot na ng mga mask ang mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport, bilang paghahanda ng gobyerno kontra sa pagkalat ng coronavirus mula Wuhan, China sa Pilipinas. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Kumalat na sa iba't ibang bansa ang 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) na mula Wuhan, China at dumami na rin ang bilang ng namatay dahil dito.

Dumating pa sa bansa mula Hongkong ang pamilya ng isang Chinese national na nagpositibo sa 2019-nCoV, kaya puspusan na ang pag-abiso ng Department of Health sa publiko ukol sa coronavirus.

Payo ni Health Undersecretary Eric Domingo na agad kumonsulta sa doktor ang mga kagagaling lang ng Tsina, partikular na sa Wuhan at kung tingin nilang may nakasalamuha silang may karga ng naturang virus.

Payo pa ni Domingo, laging maghugas ng kamay, palakasin ang resistensiya at magsuot ng surgical mask kapag pupunta sa mataong lugar.

ADVERTISEMENT

"Viral illnesses are usually curable. Actually you cure yourself. You eliminate the virus from your system but until then we give supportive treatment for fever, hydration," ani Domingo sa programang "Early Edition" ng ANC.

Paliwanag ni Domingo, may ilang pasyenteng maaaring pumasok sa bansa nang malusog pero maya't maya'y nakakaramdam ng mga sintomas.

Ilan lamang sa sintomas ng coronavirus ay ang sipon at ubo. Tinatayang nasa 2 hanggang 3 linggo ang incubation period ng virus, ayon sa DOH.

Payo pa ng ahensiya na kapag nakaramdam na ng sintomas gaya ng ubo at sipon ay magtungo agad sa ospital ng DOH.

Pero tiniyak ng DOH na wala naman daw dapat ikabahala sa virus.

"Kung naman tayo'y nagkaubo, nagkalagnat o pakiramdam natin meron tayong sakit, kung naman po tayo ay walang history ng travel to Wuhan, wala naman po tayong exposure sa mga pasyenteng nagkasakit ng new coronavirus, wala naman tayong kilala at doon lang tayo sa community then hindi naman po ito new coronavirus," ani Domingo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

PAG-IINGAT SA PALIPARAN

Puspusan naman ngayon ang pagbantay kontra sa virus sa Ninoy Aquino International Airport.

Nakakabit ang mga sanitizer sa iba't ibang parte ng terminal.

May ihahanda ring mga isolation room sakaling ma-detect ang sakit.

Ayon kay Airline Operators Council chairman Alan Napomuceno, ipinapasa sa quarantine ang sino mang mapapansin nilang may sakit.

Sa quarantine pagdedesisyunan kung pasasakayin pa ang isang pasaherong may sakit.

Nililinis din ang mga eroplano bago pasakayin ang mga pasahero, at pagkababa ng mga ito sa paliparan.

Thermal scanner ang sasalubong sa mga pasahero sa mga terminal, na tutukoy kung mataas ang temperatura ng pasahero.

Pagkatapos, ipapasa sila sa quarantine para matingnan.

Ayon kay Manila International Airport Authority general manager Ed Monreal, naghahanda na rin sila ng mga protocol na kailangang gawin sakaling umabot na dito sa Pilipinas.

"“Ang hiniling lang po nila which is the same measures that were implemented during the SARS outbreak, na meron tayong isolation rooms, meron ho sila napag-usapan na exit doors kung kinakailangan na kailangan itakbo sa ospital," ani Monreal.

Wala pa naman daw nahahawang pasahero ang nakapasok ng bansa. May ilan anilang sintomas pero pinauwi na rin agad.

-- May ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.