'Wedding scammer' sa Cavite pinaghahanap | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Wedding scammer' sa Cavite pinaghahanap

'Wedding scammer' sa Cavite pinaghahanap

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 23, 2019 08:01 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa hangad na mabigyan ng magandang kasal ang noo'y nobya, kinausap ni alyas "Erwin" ang wedding coordinator na si Monica Olfato Batingal, na nakilala niya noong Pebrero sa Facebook.

Mura lang daw ang inalok na wedding package ni Batingal kina Erwin. Kaya Pebrero rin, nagbayad na ito nang buo kay Batingal ng P190,000 para sa kasal na itinakda noong Disyembre.

Subalit dalawang buwan bago ang kasal, hindi pa na-finalize ni Batingal ang venue, photographer, pagkain, at wedding invitations.

"Sa food-tasting pa lang nag-nine follow-ups kami... Ang dami niyang reasons," ani "Erwin."

ADVERTISEMENT

Kaya nagdesisyon noong Nobyembre sina Erwin na ikansela ang booking kay Batingal at kahit ilang linggo lang ang paghahanda, natuloy pa rin ang kaniyang kasal sa tulong ng mga kaibigan.

Pero hanggang ngayon hindi pa rin nababawi ni Erwin ang perang ibinayad kay Batingal.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad si Batingal kasunod ng mga patong-patong na reklamong isinampa laban sa kaniya ng limang pares na nabiktima umano niya.

Kasama si Erwin at kaniyang misis sa tatlong pares na nagsampa ng reklamong estafa laban kay Batingal noong Martes sa Cavite Provincial Prosecutor’s Office matapos tangayan ni Batingal ng pera.

Bago nito, ipina-blotter na rin ng limang pares, kasama sina Erwin, si Batingal sa barangay nito sa Silang, Cavite.

Gaya ni Erwin, nabiktima rin umano ni Batingal si alyas "Helen" at ang fiancé nito.

Habang papalapit ang pinakahihintay na araw sa altar, naging mailap umano si Batingal kina Helen hanggang sa tuluyan siyang mawala kasama ang P140,000 na bayad.

"Napagdesisyunan namin na i-cancel na lang... Di kami makakilos dahil 'yong pera nga naano, nandoon pa sa kaniya," ani "Helen."

Sinubukan ng ABS-CBN News na puntahan ang bahay ni Batingal sa Silang para kuhanan siya ng pahayag pero walang sumasagot.

Hindi na rin matawagan ang numero ng umano ay wedding scammer.

Nanawagan ang Silang police sa iba pang biktima ni Batingal na lumantad at magsampa ng reklamo para maitaas umano ang asunto.

Nagpaalala naman si Chief Inspector Resty Soriano, hepe ng Silang police, na iwasan magtiwala agad sa mga nakikilala online.

"Siguro mas maganda 'yong personal transaction," ani Soriano. --Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.