Kakulangan sa patubig, problema ng mga magsasaka sa Pangasinan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kakulangan sa patubig, problema ng mga magsasaka sa Pangasinan

Joanna Tacason,
ABS-CBN News
Published Jan 23, 2019 07:57 PM PHT

MAPANDAN, Pangasinan—Problema ngayon ng mga magsasaka sa Pangasinan ang kakulangan ng patubig para sa kanilang mga sakahan.

Ayon sa Pangasinan Irrigation Management Officer na si Engr. Gaudencio De Vera, ramdam na ang shortage o kakulangan ng patubig, dahil mababa na ang antas ng tubig sa mga ilog at irrigation system.

Epekto umano ito ng nararanasang dry spell na nagsimula noong Disyembre ng nakaraang taon.

Kaya karamihan sa mga magsasaka na nasa tail-end areas, o mga lugar na hindi abot ng irigasyon, umaasa sa water pump.

Sa buong Pangasinan, nasa 55,000 ektarya ng sakahan ang target na patubigan ngayong second cropping.

Pero dahil sa dry spell, aminado ang Pangasinan Irrigation Management Office at National Irrigation Administration na mahirap ang patubig kaya ipinatutupad ngayon ang rotation, o schedulling ng patubig, lalo na sa mga bayan na sakop ng Agno River Irrigation System.

Ayon sa PAGASA Dagupan, posibleng umabot ng 38 to 39 degrees Celsius ang temperatura na mararanasan dahil sa epekto ng dry spell.

Kaya pinapayuhan ang mga magsasaka na magtanim ng mais o iba pang high-value crops na hindi kinakailangan ng maraming patubig para hindi malugi.