Isdang tawilis, endangered species na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isdang tawilis, endangered species na

Isdang tawilis, endangered species na

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 24, 2019 09:25 PM PHT

Clipboard

MAYNILA—Nanganganib nang tuluyang maubos ang isdang tawilis.

Ito ay matapos ituring bilang endangered species ng International Union for Conservation of Nature.

Base sa pag-aaral ng IUCN noong Pebrero 28, 2017, at inilimbag noong 2018, nanganganib na ang bilang ng tawilis, o Bonbon sardine, dahil sa labis na panghuhuli rito.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakakaapekto rin umano sa populasyon ng tawilis sa lawa ang mga fish cage at maging ang pagbaba ng kalidad ng tubig, maging ang pag-aalaga ng ibang uri ng isda sa lawa.

ADVERTISEMENT

Tanging sa Taal Lake sa Batangas matatagpuan ang tawilis. Ito rin ang kaisa-isang sardinas sa tubig tabang (freshwater sardine) sa buong mundo.

Dagdag pa ng IUCN, 1998 pa nagsimulang bumaba ang bilang ng nahuhuling tawilis sa lawa. Maaari rin umanong bumagsak ng 50 porsyento ang populasyon ng tawilis sa lawa sa loob ng 10 taon.

Inirerekomenda ng IUCN na mas pagtuunan ng pansin ng mga lokal na pamahalaan sa paligid ng Taal Lake ang pangangalaga sa lawa para mapigilan ang tuluyang pagkaubos ng tawilis.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.