4 'fixer' sa LTO, inalok ng serbisyo ang Marikina mayor, ipinahuli | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 'fixer' sa LTO, inalok ng serbisyo ang Marikina mayor, ipinahuli

ABS-CBN News
Published Jan 22, 2021 08:41 PM PHT

MAYNILA – Arestado ang apat na pinaghihinalaang fixer ng mga transaksiyon sa Land Transportation Office (LTO) sa Marikina City matapos mismong si Mayor Marcelino Teodoro ang alukin nila ng serbisyo.

Nasa biyahe si Teodoro nang maharang ang sasakyan niya malapit sa tanggapan ng LTO-Marikina.

Ayon kay Teodoro, may mga lalaki kasing nag-alok nang mas mabilis na pagpoproseso ng LTO registration.

Pero nang hanapan ng mga ID, wala silang maipakita.
Pero nang hanapan ng mga ID, wala silang maipakita.
ADVERTISEMENT
"May mga kakuntsaba sa LTO office na maglalakad o mag-aasikaso ng iyong registration na may kapalit na kabayaran... Tinawagan ko ang kapulisan para agad silang hulihin at matigil ang ganitong gawain," ani Teodoro.

Agad naaresto ang tatlong fixer sa labas ng tanggapan ng LTO-Marikina habang isa pa ang nahuli sa follow-up operation.

Aminado ang mga suspek na nag-aabang at nag-aalok sila
ng mga kliyente pero wala naman daw silang masamang ginagawa.

"Ang trabaho ko sa LTO 13 years na, taga-assist ako ng mga kliyente, ihahatid ko. Pagkatapos niyan, bibigyan lang ako ng commission, P200 to P300," aniya.

"Legal naman, kaysa magnakaw ako, ano gusto niyo? Malinis na trabaho 'yan. Ano gusto niyo, holdap na lang? Anong kakainin namin?"

Sabi ni Teodoro, nais nyang matunton ang mga kasabwat ng suspek.

"Gusto nating mahuli o makasuhan ay 'yung kakuntsaba ng mga fixer na nahuli natin na nasa loob ng lto."

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Anti-Red Tape Act.

–Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT