Droga, baril nasabat sa search ops kaugnay ng 'bolt cutter gang' sa Rizal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Droga, baril nasabat sa search ops kaugnay ng 'bolt cutter gang' sa Rizal

ABS-CBN News
Published Jan 21, 2023 01:13 PM PHT

Isinagawa ngayong Sabado ang search operation sa isang bahay sa Cainta, Rizal, kaugnay sa pagkakaaresto ng ilang miyembro ng ‘Bolt Cutter Gang’ na sinasabing responsable sa serye ng pagnanakaw sa lalawigan at ilang karatig-lugar sa Metro Manila.

Pinangunahan mismo ni Calabazon Regional Director Police B/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagpapatupad ng search warrant kaharap ng mga opisyal ng Barangay San Andres. Dito ay narekober ang vault na tinangay umano ng grupo sa isang appliance center sa Taytay noong Enero 13.

Ilan pa sa mga nakuha sa bahay ang dalawang baril, tatlong sachet ng hinihinalang shabu, mga helmet at iba’t ibang plaka ng motorsiklo, at kagamitan tulad ng barena, martilyo at bolt cutter na ginagamit umano sa kanilang pagnanakaw.

Ayon kay Nartatez, nagsimula ang grupo sa pagnanakaw sa mga sari-sari store at gasoline stations, hanggang sa lumaki na ang kanilang operasyon gamit ang kanilang modus na motorsiklo at bolt cutter.

Napag-alaman ding sangkot umano ang ilang miyembro sa mga kaso ng ilegal na droga at carnapping.

Ayon naman kay Romeo Recosalem, head ng Barangay Police Security Office, hindi nila kilala ang mga suspek na sinasabing bagong salta lamang sa barangay.

Dagdag pa niya, nakatanggap sila ng impormasyong anak umano ang isang suspek ng dating miyembro ng notorious group na Highway Boys.

Sa ngayon ay pinaghahanap pa ng awtoridad ang iba pang miyembro ng ‘Bolt Cutter Gang’.

-- Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
krimen
crime
bolt cutter gang
search
search operations
search warrant
Rizal
Calabarzon
Calabarzon Police
Jose Melencio Nartatez Jr
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT