Chinese patay, 3 iba pa naospital nang tumaob ang bangka sa Boracay | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Chinese patay, 3 iba pa naospital nang tumaob ang bangka sa Boracay

Chinese patay, 3 iba pa naospital nang tumaob ang bangka sa Boracay

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 21, 2020 06:42 PM PHT

Clipboard

MANILA (UPDATE) - Patay ang isang Chinese national habang dinala ang 3 iba pa sa ospital matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa Boracay Island sa bayan ng Malay sa Aklan, Martes ng umaga.

Idineklarang dead on arrival ang 45 anyos na turista habang dinala sa ospital sa bayan ng Kalibo ang 3 niyang kasamahan, ayon kay Lt. Cmdr. Marlowe Acevedo ng Philippine Coast Guard-Aklan Station.

Ligtas naman ang 20 iba pang Chinese, 2 lokal at 3 crew ng bangka.

Ayon kay Acevedo, pabalik na nang Station 1 ang bangka matapos itong mag-island hopping nang hampasin ng malakas na hangin at alon pasado alas-11 ng umaga.

ADVERTISEMENT

"Nag-panic ang mga pasahero. Pumunta sila sa one side ng bangka kaya ito tumaob," aniya.

Nasagip ng ibang bangka ang mga biktima at agad na dinala sa ospital, kuwento ni Police Lt. Col. Jonathan Pablito, hepe ng Malay police.

Hindi na umabot ng buhay ang isang turista habang nagpapagaling sa ospital ang 3 iba pa.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. — May ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.