700 puwesto nasunog sa palengke sa Tarlac | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
700 puwesto nasunog sa palengke sa Tarlac

Joanna Tacason,
ABS-CBN News
Published Jan 21, 2019 05:48 PM PHT
|
Updated Jan 21, 2019 09:06 PM PHT

PANIQUI, Tarlac - Aabot sa 700 puwesto ang nasira sa sunog sa palengke ng bayang ito Lunes ng madaling araw.

Ginising ng malaking apoy ang mga residente at tindera sa Barangay Poblacion sa Paniqui. Nilamon ng apoy ang mga puwesto sa palengke.

Ang ilan sa mga may-ari ng puwesto, sinubukan pang isalba ang mga puwedeng pakinabangan sa kanilang mga nasirang puwesto.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ng Paniqui ang naging sanhi ng sunog maging ang kabuuang halaga ng nasira sa sunog na nagmula umano sa dry goods section ng palengke.

Umabot sa general alarm ang sunog sa dami ng ari-ariang natupok ng apoy.

Plano ng lokal na pamahalaan na ilipat ang mga nasunugan.

"Kaya meeting ko 'tong mga kagawad ng bayan na magkwan sila ng resolution para mabigyan namin sila ng financial assistance bawat stall owner. Galing kami ni Engineer, na ibibigay na relocation diyan sa likod ng palengke," ani Mayor Leonardo Roxas.

Paiimbestigahan rin ng lokal na pamahalaan kung sinadya ang pagkasunog ng palengke na nasunog na rin noong 1992.

Sa ngayon, pinayagang magtinda sa gilid ng nasunog na palengke ang mga tindera habang hindi pa naitatayo ang paglilipatan sa kanila.