Robredo may patutsada sa mga ayaw ng debate: 'Lugi ang taumbayan' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Robredo may patutsada sa mga ayaw ng debate: 'Lugi ang taumbayan'

ABS-CBN News
Published Jan 20, 2022 07:57 PM PHT

MAYNILA — Hinamon ni presidential aspirant Leni Robredo ang kaniyang mga kapwa kandidato sa Halalan 2022 na huwag takbuhan ang mga public debate kahit pa mataas na ang puwesto nila sa surveys.

Ani Robredo, tila lugi ang taumbayan kung iiwas ang mga politiko na makipag-argumento sa mga katunggali.

"Kung iiwas ka, iiwas ka dahil siguro mataas na numbers mo, di mo na kailangan mag-appear, lugi ang taumbayan kasi hindi siya nagkakaroon ng opportunity to confront," sabi ni Robredo.

Nasa pangalawang puwesto sa mga survey si Robredo at malayo ang agwat mula sa frontrunner na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

ADVERTISEMENT
Pero tiwala pa rin si Robredo na may malaking tsansang maipapanalo niya ang halalan lalo’t dumarami ang kanyang mga volunteers.

Pero hindi siya nababahala kung matalo man sa eleksiyon.

"I was a development worker and alternative lawyer for many, many years. I have just been a politician for close to 9 years. So para sa akin, it will not be difficult for me to go back to the life I was leading before my husband died and before I entered politics," aniya.

Sa isang online meeting naman, hinikayat ni Robredo ang kanyang mga tagasuporta na dapat paghandaan ang isang masalimuot na kampanya sa mga darating na araw.

"In the days to come, patigasan po ito ng sikmura kasi marami tayong masamang maririnig laban sa atin. Pero basta alam po natin na tama lang 'yung ating pinaglalaban, walang dahilan para humina 'yung ating kalooban," sabi ni Robredo.

—Ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
Leni Robredo
halalan
halalan 2022
Halalan2022
politika
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT