PatrolPH

4 na sasakyan nagkarambola sa NLEX

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 10:09 PM

Watch more on iWantTFC

Apat na sasakyan ang nagkarambola sa NLEX northbound lane lagpas ng Lawang Bato exit sa Valenzuela City.

Ayon sa driver ng SUV na si Joey Lavarias, biglang huminto ang isang sasakyan sa kaniyang harapan kaya napilitan din itong prumeno.

Hindi na niya natukoy ang plaka ng naturang sasakyan na huminto dahil bigla na lang din ito kumaripas ng alis. 

Dahil sa impact ng preno ni Lavarias, nasagi siya ng isang truck na nasa kaliwang lane niya. 

Isang sedan din ang napapreno at dahil madulas ang kalsada, naiba ng direksyon ang sasakyan at sumagi sa isa pang SUV.

Nasaktan ang driver ng sedan at naghintay na rin ng ambulansya. 

Naitawag na sa NLEX traffic management ang aksidente at nangakong rumesponde sa lugar.

Nagdulot ang karambola ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa northbound lane ng NLEX.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.