Pagbabalik ng UP-DND accord, hiniling
ADVERTISEMENT
Pagbabalik ng UP-DND accord, hiniling
Zyann Ambrosio,
ABS-CBN News
Published Jan 19, 2023 12:37 AM PHT

MAYNILA - Nagsagawa ng demonstrasyon ang ilang estudyante sa Quezon Hall sa University of the Philippines Diliman, Quezon City Miyerkoles ng umaga upang ipanawagan ang pagpapabalik sa kasunduan ng pamantasan at Department of National Defense.
"
Itambol ang panawagan na isabatas (ang) DND-UP accord. Siya ang nagpoproketkta sa mga estudyante (at) alumni mula sa panghuhuli at iba pang abuso na pwede gawin ng militar sa pamantasan," ani Neo Aison ng Defend UP.
Matatandaang noong Enero 18, 2021 ay kinansela ng DND ang kasunduan nito sa UP na nagbabawal sa militar, pulis, at CAFGU na pumasok sa campus ng pamantasan sa mga dahilang hindi nakasaad sa kasunduan at kung walang pahintulot o paalam mula sa mga opisyal ng UP.
Nabuo ang DND-UP accord noong 1989 bilang proteksyon sa mga estudyante ng pamantasan mula sa pang-aabuso umano ng militar.
Si dating Defense Secretary Delfin Lorenzana ang sumulat sa UP para sa unilateral abrogation ng accord dahil, aniya, nagagamit lamang umano ito "para makapagkubli ang CPP/NPA at mapigilan ang militar sa pagsasagawa ng operasyon laban sa kanila."
Hindi tanggap ng mga "Isko at Iska" ang dahilang ito dahil nakasaad naman umano sa kasunduan na maaari namang pumasok sa UP campus ang militar basta't mag-abiso lamang sa UP officials.
Sa isinagawang pagtitipon nitong Miyerkoles, tinakpan ng mga lumahok ang Oblation at kinadena ang ilang libro para ipakita ang anila'y nararanasang pagsikil sa academic freedom.
ADVERTISEMENT
Read More:
UP Diliman
UP
DND
Department of National Defense
UP DND Accord
University of the Philippines
academic freedom
protest action
demonstration
Quezon Hall
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT