NGCP tower sa Lanao del Norte, sinabotahe umano | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

NGCP tower sa Lanao del Norte, sinabotahe umano

NGCP tower sa Lanao del Norte, sinabotahe umano

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng NGCP

Umapela ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa publiko, local government units, at mga community leaders sa Lanao del Norte na tulungan silang malaman kung sino ang mga nanabotahe ng isang tower nila sa Lanao del Norte Lunes ng umaga.

Ayon sa NGCP, ang Tower #60 sa Poona sa bayan ng Tangcal ay kasama sa Balo-i-Aurora 138kV line.

Natumba ang tower dahil sa intentional pilferage ng transmission line parts.

Tinanggal ang bolt at ibang parte ng stub angle ng tower na bahagi ng pundasyon. Ninakaw din ang ibang parte ng tower kayat humina ito at hinila gamit ang lubid kaya natumba.

Dahil sa pagkatumba ng tower, nagka-power interruption alas 10 ng umaga. Sinundan ito ng manual load droppings na nakaapekto sa mga consumer ng ZAMSURECO I, ZAMSURECO II, ZANECO sa probinsya ng Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte; MOELCI I, MOELCI II sa probinsya ng Misamis Occidental; at LANECO sa Lanao del Norte.

ADVERTISEMENT

Nakipag-ugnayan na ang NGCP sa mga awtoridad para ma-secure ang lugar at makuha ang pagkakilanlan ng mga nanabotahe. Sisimulan ang restoration sa tower kung masecure na ang lugar.

Ayon sa NGCP, ang publiko ang labis na maapektuhan kung merong manabotahe sa mga tower at linya ng NGCP.

"The company stresses that any form of sabotage to transmission lines and structures only serve to increase the burden of the public, which must suffer through service interruptions when towers are sabotaged," anila.

Matagal nang problema ng NGCP ang pananabotahe sa kanilang mga towers. Kasama na dito ang intensyunal na pagtanim ng mga puno sa ilalim ng mga transmission lines na naging sanhi ng mga power interruption.--Ulat ni PJ dela Pena

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.