#DefendUP: Pagkalas ng DND sa UP accord, inalmahan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
#DefendUP: Pagkalas ng DND sa UP accord, inalmahan

ABS-CBN News
Published Jan 19, 2021 06:48 PM PHT

MAYNILA - Pumalag ang marami sa loob at labas ng Unibersidad ng Pilipinas sa pagkansela ng Department of National Defense sa 1989 UP-DND accord, ang kasunduang naglilimita sa mga sundalo at pulis sa unibersidad.

Ayon kay University Student Council chairman Froilan Cariaga, taktika ito ng administrasyon para maipatupad ang Anti-Terror Law - na magpapatahimik umano sa boses ng mamamayan.

Pinupuntirya aniya ang UP dahil sa malayang pagpoprotesta rito ng mga tao ngayong ipinagbabawal ang mass gathering dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

"Kami pong mga Iskolar ng Bayan, ang tanong pa nga po namin sa administrasyon: Bakit sa gitna ng pandemya inuna pa ang militarization ng mga campuses kaysa sa paglaban para sa ligtas na pagbalik-eskuwela?" ani Cariaga.

"So makikita po natin ito'y talagang kabaha-bahala. Wala pang face-to-face classes pero itong rehimeng Duterte nag-iimplementa na ng militarization ng campuses," dagdag niya.

Kaugnay ng naging pasya ng DND, nagkilos-protesta ang UP community para kondenahin ang pagkansela sa kasunduan.

Pinirmahan ang DND-UP Accord noong 1989, sa pagitan ng dating president ng UP na si Jose Abueva at si dating Defense Secretary Fidel Ramos. Dito nakasaad ang mga panuntunan ng mga military at police operation sa loob ng unibersidad.

Sa ilalim din ng kasunduan, dapat magpaalam muna sa pamunuan ng UP kung may military at police operations sa kahit saan mang UP campus sa bansa.

Nabanggit ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes na nabuo ang kasunduan matapos ang pag-aresto sa staffer ng The Philippine Collegian -- ang pahayagan ng UP -- na si Donato Continente.

Habang nakapiit, pinaggugulpi umano si Continente, na inakusahan ng pagpaslang sa Amerikanong sundalo na si James Rowe, at napakulong nang 14 taon hanggang sa inigsian ng Korte Suprema ng kaniyang jail sentence.

"Sapilitan siyang sinakay sa kotse at hindi agad natunton ng mga kasamahan niya ang kanyang kinaroonan. Ayon kay Donat, siya ay nakaranas ng interogasyon at tortyur at pilit na pinaamin sa kasalanan na hindi naman niya ginawa," ani Reyes.

Ang pagtigil sa kasunduan ay nangangahulugang maaari nang pumasok ang state authorities, gaya ng militar at pulisya, sa loob ng campus ano mang oras.

Gabi ng Lunes nang isiwalat ng UP Office of the Student Regent ang isang sulat mula kay Defense chief Delfin Lorenzana para kay UP President Danilo Concepcion, na humihiling sa pagkalas sa kasunduan.

Iginiit ng DND na nagiging balakid umano ito sa militar at pulis na bigyang proteksiyon ang UP Community lalo umano't may recruitment sa loob ng pamantasan ang Communist Party of the Philippines.

Ayon kay Concepcion, hindi kailangang putulin ang kasunduan at maaari pa umano itong maging mitsa para lumala ang relasyon sa pagitan ng unibersidad at ng militar.

"We want to maintain UP as a safe haven for all beliefs and forms of democratic expression. We do not condone sedition, armed insurrection, or the use of violence for political ends," ani Concepcion.

Hiling naman ni Concepcion na bawiin ni Lorenzana ang desisyon.

"Kung ang UP ay tatanggalan ng academic freedom sa anumang pamamaraan ang UP ay mawawalan ng saysay at kabuluhan kaya tayo ngayon ay magbubukblod at magkakapit-bisig upang ipatuloy nating ipaglaban ang academic freedom," ani Concepcion.

Pero sagot ni Lorenzana, nag-iba na ang panahon at hindi na angkop ang kasunduan.

Naging "safe haven" na umano para sa mga kalaban ng estado ang unibersidad, giit niya.

"The agreement has become obsolete. The times and circumstances have changed since the agreement was signed in 1989. The country’s premier state university has become a safe haven for enemies of the state," aniya.

MGA POLITIKO UMALMA RIN
May mga politiko rin na pumalag sa naging pasya ng DND.

Sa isang pahayag, sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang desisyon ng DND ay para manakot kaya kailangang maging matapoang at gawin ang nararapat.

"[It's] One designed to sow fear. We will find our courage and do what needs to be done,” ani Robredo.

Sa isang resolusyon naman idinaan ng mga senador na sina Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Nancy Binay, Ralph Recto, Leila De Lima, Franklin Drilon, at Joel Villanueva ang pagtutol sa unilateral abrogation.

Hinikayat nilang mag-dayalogo ang dalawang panig.

Para naman kay Sen. Sonny Angara, anak ni dating senador at UP President Ed Angara, produkto ng academic freedom ang ilan sa pinakamatatalino sa kasaysayan ng bansa.

Si Sen. Panfilo Lacson, sang-ayon na makaapekto sa kultura ng UP ang nangyari pero sinabing inaaral naman siguro ng mga awtoridad ang desisyon.

"They enjoy so much freedom and then all of a sudden, you’ll take it away from them, that really hurts. But when you bear arms against the government and you’re very young, you’re vulnerable and you’re easily radicalized and the hotbed of recruitment would be UP, PUP and other universities then I think the security sector has studied all the factors involved before they acted on the matter," ani Lacson.

Pero kinatigan ng Palasyo ang desisyon ni Lorenzana.

"Of course the President supports the decision of Secretary Lorenzana. 'Yung sa Amerika po at sa Inglatera po, meron ding mga pulis sa mga campuses," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinusuportahan naman ng PNP ang desisyon ng DND.

"Huwag ho nating kalimutan na ang PNP at AFP ay may mandato sa konstitusyon. Ours is to serve and protect, meron din po kaming mandato na mag-enforce ng batas sa anumang lugar, sa sinumang tao na maaapetkuhan," ani PNP spokeperson Ildebrand Usana sa isang pahayag.

Handa rin daw ang mga estudyante at guro na ipagtanggol ang unibersidad.

"We will continue to ensure that the community is safe and ipaglalaban natin para ma-establish pa rin ang UP accord whether it be in collaboration with other officials to ensure that proper action is taken so UP accord is kept in place," ayon sa Student Regent na si Renee Co.

"This is a sanctuary of peace, this is a freedom zone tapos papasok ang mga ito hindi pupuwede yon, mapipilitan kaming mag-defend ng aming sarili," ayon naman sa sociology profesor na si Gerry Lanuza.

-- May mga ulat nina Jaehwa Bernardo at Adrian Ayalin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
UP
University of the Philippines
academic freedom
DND-UP accord
DND-UP 1989 Accord
Defend UP
DefendUP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT