Pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño sa Maynila, naging mapayapa | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño sa Maynila, naging mapayapa

Pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño sa Maynila, naging mapayapa

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 18, 2021 07:55 AM PHT

Clipboard

Mga deboto ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Pangkalahatang naging mapayapa ang naging selebrasyon ng pista ng Sto. Niño sa Maynila, ayon sa Manila Police District.

Matiwasay ang naging pista sa Sto. Niño de Tondo Parish at sa Sto. Niño de Pandacan Parish, ayon sa MPD.

Hindi umano napuno ang mga simbahan bilang pagsunod sa physical distancing dahil sa pandemya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Umabot lamang sa 1800 ang tao sa Sto. Niño de Tondo Parish sa pinakahuling misa alas-otso ng gabi, habang nasa 300 naman ang debotong naitala sa misang idinaos nang 4 ng hapon sa Sto.Niño de Pandacan Parish.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Julius Leonen, chief ng Manila Public Information Office, nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga batang Tondo at batang Pandacan sa pagsunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, pagsusuot ng faceshield at pagpapanatili ng physical distancing.

Gayunpaman, umabot din sa mahigit 60 ang nahuling lumabag sa ipinatupad na liquor ban.

- Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.