Mabigat na trapik inaasahan sa Rockwell bridge closure | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mabigat na trapik inaasahan sa Rockwell bridge closure

ABS-CBN News
Published Jan 18, 2019 08:25 PM PHT

Pinaghahandaan na ng mga awtoridad ang inaasahang mabigat na trapiko sa tuluyang pagsasara simula Enero 19 ng Estrella-Pantaleon o Rockwell bridge na nag-uugnay sa mga lungsod ng Makati at Mandaluyong. Maaari itong makaapekto sa 35,000 sasakyan na bumabaybay sa tulay araw-araw.

Dahil sa pagsasara ng tulay, madadagdagan na ng isa’t kalahating oras ang araw-araw na biyahe mula Makati hanggang Mandaluyong at pabalik nito—na mas mahaba sa orihinal na 10 hanggang 15 minutong biyahe kung daraan sa Rockwell bridge.

Idinadaing ito ng ilang motorista at pedestrian na kailangang maghanap ng paraan at magagasta para sa ekstrang pasahe at gasolina dahil hindi na maaaring tawirin ang tulay.

"Sayang sa gasolina. Sayang sa oras, hassle," ayon sa isang motorista.
"Sayang sa gasolina. Sayang sa oras, hassle," ayon sa isang motorista.
ADVERTISEMENT
"Magbabangka na lang kami. Kuwatro (pesos) ang bayad kaya tipid-tipid na lang," ayon sa isang pedestrian.

Gayunman, iginiit ng mga awtoridad na pinaghahandaan na nila ang inaasahang trapiko sa lugar.

Ipapaskil bukas ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kalsadang maaaaring tahakin ng mga motorista para maiwasan ang matinding trapiko.

Kung daraaan papuntang Makati, maaari raw dumaan ng Boni Avenue o kaya Shaw Boulevard at lumabas ng Guadalupe – JP Rizal o Buendia hanggang makarating sa destinasyon.

Tatanggalin din ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga sasakyang naka-illegal parking sa mga gagamiting alternatibong ruta.

Magpapakalat ng MMDA traffic enforcers sa paligid ng tulay at aayuda ang Makati at Mandaluyong traffic unit para gabayan ang mga motorista sa tamang daanan.

Nakiusap din sila na makipagtulungan ang lahat para hindi umabot sa "carmageddon" ang sitwasyon kapag naisara na ang tulay.

"There's close to 270,000 new vehicles every year so we need wider roads, and kung ito ang sinasabing solusyon eh kailangan talaga nating pagtiisan," ani MMDA General Manager Jojo Garcia.

Dati nang ipinaliwanag ng DPWH na kailangang palitan ang buong tulay dahil hindi na nito kakayanin ang mga bumabaybay na sasakyan.

--Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
Rockwell bridge
tulay
Estrella-Pantaleon bridge
Makati
Mandaluyong
Kamaynilaan
traffic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT