Lasing na lalaking nagpaputok umano ng baril, arestado sa QC | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lasing na lalaking nagpaputok umano ng baril, arestado sa QC

Lasing na lalaking nagpaputok umano ng baril, arestado sa QC

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 15, 2023 12:02 PM PHT

Clipboard

Nakuhanan ng video ang isang lalaki habang hawak na baril na nakatutok pataas, sa Barangay Sta. Monica, Quezon City noong Enero 14, 2023. Screengrab mula sa video ni Bienvenido Santos Jr.
Nakuhanan ng video ang isang lalaki habang hawak na baril na nakatutok pataas, sa Barangay Sta. Monica, Quezon City noong Enero 14, 2023. Screengrab mula sa video ni Bienvenido Santos Jr.

MAYNILA — Arestado ang isang lalaki matapos maglabas at magpaputok umano ng baril sa Barangay Sta. Monica sa Novaliches, Quezon City noong Sabado.

Sa video na kuha ng barangay executive na si Bienvenido Santos Jr., mapapanood ang 59 anyos na lalaki na itinututok sa taas ang baril habang naglalakad sa isang eskinita. Maya-maya'y maririnig ang tila putok ng baril.

"Nagtatakbuhan mga tao. May napansin ako na komosyon. Nang lumapit ako, may tumatakbo, sabi mayroong may baril. Umakyat ako sa isang bahay, kinunan ko ng video," ani Santos.

Agad dumating ang pulisya, na humuli sa suspek.

ADVERTISEMENT

Nakita natin mismo nagwawala, may hawak na baril. Winasiwas 'yong baril. At a safe distance, kinausap natin nang maayos ['yong suspek] na sumuko habang 'yong tactical motorized riders unit natin umikot," ani Lt. Col. Jerry Castillo hepe ng Novaliches Station.

Nakuha sa suspek ang baril, 3 piraso ng live ammunition at isang fired cartridge case.

Ayon kay Castillo, wala ring serial number ang baril, na itinuturing na loose firearm.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Aminado naman ang suspek na lasing siya pero itinanggi niya ang paglalabas at pagpapaputok ng baril. Wala rin aniya siyang pag-aaring baril.

"Wala akong maalala. Lasing ako," anang suspek.

Mahaharap ang suspek sa reklamong alarm and scandal at illegal possession of firearms and ammunition.

— Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.