Dagat, ilog sa bayan sa Davao Oriental nagkulay kahel; DENR mag-iimbestiga | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dagat, ilog sa bayan sa Davao Oriental nagkulay kahel; DENR mag-iimbestiga

Dagat, ilog sa bayan sa Davao Oriental nagkulay kahel; DENR mag-iimbestiga

ABS-CBN News

Clipboard

Nagkulay kahel ang isang ilog sa isang barangay sa Banaybanay, Davao Oriental. Kuha ni Emelyn Morillo

Nagkulay kahel ang isang ilog sa isang barangay sa Banaybanay, Davao Oriental. Kuha ni Emelyn Morillo

Ikinagulat ng mga residente ng ilang barangay sa Banaybanay, Davao Oriental nang maging kulay kahel ang dagat at ilog sa parte ng bayan nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa mga residente, nangyari ito matapos maranasan ang pag-ulan noong Huwebes.

Saad ni Rudolph Espe, isang environmentalist at residente rin sa lugar, dalawang beses nang nangyari ang pag-iba ng kulay ng ilog at dagat.
Aniya, nangyari ito una noong Disyembre 2021, kung saan naitala umano ang fish kill o pagkamatay ng mga isda.

Naniniwala siya na water contamination ang nangyari dahil sa operasyon ng pagmimina sa kanilang bayan.

ADVERTISEMENT

Kuha ni Emelyn Morillo

Ayon naman sa Department of Environment and Natural Resources Davao Region (XI), isang heavy siltation ang nangyari sa Mapagda river sa Banaybanay dahil sa malakas na ulan sa loob ng mahigit 12 oras.

"The large volume of water allegedly may have resulted to such siltation that caused discoloration of the said river," ayon sa pahayag ng DENR XI.

Bubuo ng investigating team ang ahensya at magsisimula silang mag-imbestiga sa Sabado, Enero 15, para alamin ang sanhi ng insidente.

Ang team ay kinabibilangan ng mga personahe mula sa Mines and Geosciences Bureau, Environmental Management Bureau, at Community Environment and Natural Resources Office Lupon.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.