Bricks na gawa sa abo galing Taal, ido-donate sa mga nawalan ng tirahan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bricks na gawa sa abo galing Taal, ido-donate sa mga nawalan ng tirahan

ABS-CBN News
Published Jan 15, 2020 03:24 PM PHT
|
Updated Jan 15, 2020 08:30 PM PHT

Tatlong araw nang walang tigil sa kawawalis ng abo si Archell Landero sa mga kalye ng Biñan, Laguna, isa sa mga lungsod na apektado ng ashfall ng bulkang Taal noong Linggo.

"'Pag walis mo, maya-maya mayroon na naman," ani Landero.

Isa si Landero sa mga naatasang maglinis ng mga lansangan ng Biñan mula sa ashfall.

Iniipon nina Landero ang abo at iniiwan sa sako para kuhanin ng pamahalaang lokal at dalhin sa ecopark para gawing bricks o hollow bricks.

Dati nang proyekto ng pamahalaang lokal ang paggawa ng bricks galing sa mga recycled material, ayon kay Biñan Mayor Arman Dimaguila Jr.

Pero dahil sa dami ng abong nakolekta ng lungsod, naisipan ng pamahaalang lokal na gumawa ng bricks mula sa abong ibinuga ng bulkang Taal, na ido-donate sa mga nasira ang bahay sa Batangas, ayon kay Dimaguila.

Ang bawat brick ay binubuo umano ng 40 porsiyentong ashfall, 30 porsiyentong recycled na basura, 20 porsiyentong buhangin, at 10 porsiyentong semento.

Umaabot sa 7,000 bricks kada araw ang nagagawa ng Biñan sa kanilang material recovery facility.

Bukod sa bricks, puwede ring gawing hollow blocks at plant box ang abo.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT