Higit 100 fishing boats, nakiisa sa fluvial procession ng Sto. Niño de Bula | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 100 fishing boats, nakiisa sa fluvial procession ng Sto. Niño de Bula

Jay Dayupay,
ABS-CBN News
Published Jan 15, 2019 11:36 AM PHT
|
Updated Jan 16, 2019 01:10 AM PHT

GENERAL SANTOS CITY – Nilahukan ng mahigit sa 100 fishing boats ang pagdiriwang ng ika-41 Patronal Fiesta ng Sto. Niño de Bula na dinayo rin ng nasa 50,000 mga deboto, Martes ng umaga.

Hindi biro ang gastos sa dalawang oras na fluvial procession sa Sarangani Bay dahil daang libong piso rin ang gastos sa krudo ng bawat fishing boat.

Pero ayon kay Marfenio Tan, chairman ng fluvial procession, ang Sto. Niño de Bula ang patron ng mga mangingisda sa paniniwalang magdadala ito ng suwerte sa kanila sa laot.

"Higit 40-years na ang tradisyon na ito ng mga mangingisda sa GenSan at taun-taon lalo itong lumalakas,” pahayag ni Tan.

Sa General Santos, nagbibigay ng trabaho ang fishing industry sector sa higit 100,000 na mga manggagawa. Tinagurian ding tuna capital ng bansa ang lungsod dahil pito sa 9 na canning factories ay matatagpuan dito.

Sa tradisyon ng Sto. Niño de Bula fiesta, isang misa ang ginanap madaling araw ng Martes. Matapos nito ay kinukuha ang itim na poon ng Sto. Niño at isinasakay sa amphibian.

Dinala ito sa Sarangani Bay at inilipat sa mother boat bilang hudyat ng fluvial procession na nagtagal ng higit dalawang oras. Muling ibabalik ang poon sa Parokya na susundan ng fiesta mass.

Read More:
General Santos City
fluvial procession
Sto. Niño de Bula
festival
Regional news
Tagalog news
Bandila
DZMM
Teleradyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT