7 taong gulang, patay nang mabagsakan ng sanga ang sinasakyan | ABS-CBN
7 taong gulang, patay nang mabagsakan ng sanga ang sinasakyan

ABS-CBN News
Published Jan 15, 2018 01:46 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Patay ang isang 7 taong gulang na lalaki matapos mahulugan ng sanga ng punong Mahogany ang sinasakyang sports utility vehicle (SUV) sa Bacolod City, Negros Occidental.

Papunta sana sa isang resort sa Talisay City noong Enero 13 ang pamilya ni Kent Peñaflorida, konsehal sa bayan ng Pototan sa Iloilo, nang mabagsakan ng malaking sanga ng puno ang sinasakyan nilang SUV.

Sa laki ng sanga ay halos sakop nito ang dalawang lane ng highway.

Nasira umano ang front seat ng sasakyan kung saan nakaupo ang pitong taong gulang na anak ng konsehal.

ADVERTISEMENT
Pero batay sa imbestigasyon ng police, hindi sa pagkadagan ng kahoy namatay ang bata.

Sa halip ay posible itong dahil sa pagkadagok ng ulo sa windshield nang biglang huminto ang sasakyan.

Nasira rin ang isang bahay sa compound ng Boys Home kung saan nakatira ang 15 bata pero wala naman naiulat na sugatan.

Ayon sa pulisya, posibleng natumba ang daang-taong puno dahil lumambot ang lupa nito bunsod ng walang tigil na pag-ulan noong mga nakaraang araw. -- Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News