Mga upuan sa isang sports stadium sa Bulacan nasira sa gitna ng concert | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga upuan sa isang sports stadium sa Bulacan nasira sa gitna ng concert

Mga upuan sa isang sports stadium sa Bulacan nasira sa gitna ng concert

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang hilera ng mga upuan ng isang sports stadium sa Bocaue, Bulacan ang bumigay sa kalagitnaan ng concert ng isang sikat na K-pop group. Larawan mula kay LJ Altes
Isang hilera ng mga upuan ng isang sports stadium sa Bocaue, Bulacan ang bumigay sa kalagitnaan ng concert ng isang sikat na K-pop group. Larawan mula kay LJ Altes

MAYNILA — Isang hilera ng mga upuan ng isang sports stadium sa Bocaue, Bulacan ang bumigay sa kalagitnaan ng concert ng isang sikat na K-pop group.

Nagbahagi ng mga larawan sa social media ang isa sa mga nanood na si LJ Altes.

Sabi niya, bigla na lang nasira ang isang hilera ng mga upuan sa MID 1 section 133, dahilan para mawalan ng puwesto ang mga nakaupo doon.

Makikita rin sa mga larawan na nawala sa pagkakakabit ang buong hilera ng upuan sa semento.

ADVERTISEMENT

Sabi ni Altes sa panayam sa ABS-CBN News, walang nasaktan sa insidente.

"Thankfully wala naman po nasaktan and ni-relocate agad yung mga seated dun," dagdag niya.

Hiningan na ng ABS-CBN News ng komento ang concert producer na Live Nation Philippines, ngunit hindi pa naglalabas ng pahayag ang kumpanya.

Di pa rin naglalabas ng pahayag ang pamunuan ng sports stadium sa insidente. May ulat mula kay Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.