PatrolPH

Truck nahulog sa bangin sa Davao Oriental; drayber patay

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2021 04:01 AM

Truck nahulog sa bangin sa Davao Oriental; drayber patay 1
Kuha ng PDRRMO Davao Oriental

Patay ang isang lalaki matapos mahulog sa bangin ang kaniyang minamanehong 10-wheeler truck sa Lupon, Davao Oriental Martes ng umaga.

Binawian ng buhay ang drayber matapos maipit sa truck.

Inararo ng truck ang mga tanim at puno sa pagkahulog nito sa tinatayang 70 metro na lalim na bangin sa Brgy. Mariano Marcos.

Rumesponde ang mga bumbero sa Davao Oriental, rescuers ng KABALIKAT Mati City, at mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng lalawigan para makuha ang bangkay sa truck.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng disgrasya.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.