Batang nanghuhuli ng manok, patay matapos makuryente

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2021 12:44 PM

Dead on arrival sa pagamutan ang bata matapos makuryente sa Zamboanga City. Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Patay ang isang 11-taong gulang na batang lalaki matapos makuryente sa Barangay Cacao sa Zamboanga City, Huwebes ng umaga.

Ayon sa nanay ng biktima, aksidenteng napahawak si John Lloyd Lazareno sa isang kable ng kuryente habang tinutulungan ang kaniyang tatay na hulihin ang isang manok.

Naitakbo pa siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Dinala na sa punerarya ang bangkay ng bata. 
 
RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.