Barangay chairman, patay sa pamamaril sa loob ng bahay sa Davao Occidental | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay chairman, patay sa pamamaril sa loob ng bahay sa Davao Occidental

ABS-CBN News
Published Jan 14, 2021 03:56 AM PHT

Pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang chairman ng barangay sa bayan ng Sta. Maria, Davao Occidental nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, binaril sa loob mismo ng kaniyang bahay si Alex Abe sa Jassi Street sa Brgy Poblacion.

Iniimbestigahan pa ng pulisya at inaalam ang mga responsable sa krimen.

Kilala si Abe bilang masigasig sa kampaniya kontra ilegal na droga at nakatanggap umano ito ng mga banta sa kaniyang buhay matapos hulihin ang dalawang kilalang drug dealer sa kanyang sinasakupan.

ADVERTISEMENT
Kinondena ng pamahalaang panlalawigan ng Davao Occidental ang krimen.

Ayon kay Davao Occidental Gov. Claude Bautista, nanghihinayang siya sa pagkawala ng opisyal, na isa sa mga pinakamasipag na public servant sa kanilang lalawigan.

"We guarantee that a speedy investigations and soon immediate arrests will be done," ani Bautista.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO
Read More:
barangay chairman
kapitan
patay
pamamaril
murder
Sta. Maria
Davao Occidental
Regional news
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT