137 million doses ng COVID-19 vaccine, na-secure na ng Pilipinas: Galvez | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

137 million doses ng COVID-19 vaccine, na-secure na ng Pilipinas: Galvez

137 million doses ng COVID-19 vaccine, na-secure na ng Pilipinas: Galvez

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

Si National Task Force Against COVID-19 (NTF) Chief Implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. sa isang quarantine facility sa Taguig City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Aabot na sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang na-secure na umano ng gobyerno, ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez, at galing ito sa iba’t ibang brands ng bakuna na nagbigay na ng commitment ng suplay sa Pilipinas.

“Iyon po ang na ano po natin na maganda po ang negotiation natin kaya po secured na natin ang 137 million po na doses para next year. Puwede pong umakyat ‘yan na ... sa 172," ani Galvez nitong Miyerkoles.

Sa Pebrero aniya inaasahang mauunang dadating sa bansa ang mga bakuna ng Pfizer ng Amerika at Sinovac ng China.

“Pfizer po maganda rin po ang ating negotiation. Dinagdagan po --- puwede pong madagdagan ang ating allocation at isa siya sa pinakamalaki na makukuha po natin, more or less 25 to 40 million. At natutuwa po kami dahil kasi hindi po tayo iniwan ng Pfizer at may commitment po sila na baka magkaroon po pagka nagpirmahan po tayo baka hopefully, kung mayroon silang excess from US at other countries, pwede pong mai-deliver po ‘to sa atin," ani Galvez.

ADVERTISEMENT

Nagkapirmahan na rin aniya ang gobyerno at ang Serum Institute ng India para sa Novovax vaccines para sa 30 million doses na dadating din ngayong taon.

Ngayong araw naman inaasahang magkakapirmahan na para sa bakuna naman ng AztraZeneca ng UK para sa 17 million doses na posibleng dumating ng 2nd quarter ng taon.

Ang Johnson at Johnson mula Amerika din ay nasa final stages na rin aniya ng approval ng kasunduan, habang may ongoing negotiations na rin para makabili ng Moderna ng Amerika din, kasama ang pribadong sektor.

Nangako na aniya ang grupo ng negosyanteng si Enrique Razon na siya na ang kukuha ng Spain ng suplay gamit ang kanyang barko at eroplano para madala sa Pilipinas ang Moderna vaccines.

“Nag-e-explore po tayo na baka ang LGU rin po at saka po ‘yung mga private sector ay puwedeng ano, puwedeng kumuha po ng Moderna through the tripartite agreement. At nangako rin po si Sir Enrique Razon na kakalapin niya po ang mga business sector para makakuha po ng at least at a minimum mga 3 to 5 million po na doses para sa ating mga workers at donation po sa government," ani Galvez.

ADVERTISEMENT

Sumasailalim na rin aniya ang gobyerno sa negosasyon katuwang ang Russian Direct Investment Fund para makabili rin ng 50 hanggang 100 million doses na gawa ng the Galameya Institute sa Russia.

Bukod sa mga ito, may inaasahan pa niyang libreng bakuna ang Pilipinas na nasa 42 million doses mula sa COVAX facility na sapat aniya para maibigay sa 20 percent ng populasyon ng bansa.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi umano magiging problema ang cold chain storage facilities dahil bukod sa pasilidad ng gobyerno, may service providers din aniya mula sa pribadong sektor.

Ang Department of Health naman sinabing isinapinal na ng mga dokumento para sa third-party logistics provider.

Bagaman hamon aniya ang mga bakunang mangangailangan ng -70 hanggang -80 degrees centigrade, o iyong mga ultra low freezers, natukoy na rin aniya ng DOH ang pagkukuhanan ng pasilidad na ito.

ADVERTISEMENT

Hindi naman umano binabalak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maunang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 sa oras na dumating ito sa bansa.

Sabi ng Pangulo, prayoridad pa rin ang frontliners at mga mahahalagang manggagawa sa bansa.

Ang mga sundalo at pulis, nasa ikalimang priority lang umano sa pagpapabakuna at matapos sila ay huli na lang susunod ang Pangulo.

"Pero mauna talaga ‘yung mga pobre, ‘yung wala talaga, tapos kayo. Halos… pagdating ng ano, kung milyon ‘yan, magsabay-sabay na kayo lahat, at saka huli na kami. Kung may maiwan para sa amin, kay Bong, kay Sec. Lorenzana … kung may maiwan, eh ‘di para sa atin," aniya.

Ipinaliwanag din ng Pangulo na ikukunsidera naman ang geographical at sectoral issues sa pagbibigay prayoridad sa pagbabakuna at tiniyak niyang wala umanong magiging diskriminasyon dito.

ADVERTISEMENT

Aniya, target pa rin ng gobyerno na mabakunahan ang lahat ng 110 na milyon na populasyon ng bansa, pero hindi umano mamimilit ang gobyerno.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.