Mga nagbebenta ng mahal na face mask kakasuhan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nagbebenta ng mahal na face mask kakasuhan

ABS-CBN News
Published Jan 14, 2020 05:54 PM PHT
|
Updated Jan 14, 2020 08:41 PM PHT

Kakasuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 7 tindahan sa Maynila dahil sa umano ay pagbebenta ng face mask nang sobrang mahal.

Bukod sa mga kasong haharapin gaya ng profiteering at pagmanipula ng presyo, irerekomenda rin ng ahensiya sa Manila City Hall na ipasara ang mga tindahan dahil sa pananamantala, ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Ipinaliwanag ng DTI na ayon sa batas, dapat 10 porsiyento lang ang kita ng mga nagtitinda ng mask kaya kung P65, halimbawa, ang presyo ng supplier, dapat nasa P72 lang ang bentahan.

Pero may mga konsumer na binentahan umano ng face mask sa halagang P150 sa may Bambang sa Maynila.
Pero may mga konsumer na binentahan umano ng face mask sa halagang P150 sa may Bambang sa Maynila.
ADVERTISEMENT
Iminungkahi na rin ng DTI sa Department of Health na patawan ng suggested retail price ang face mask para mabantayan ang presyo.

Tumaas ang demand para sa face mask, partikular sa N95 mask, bunsod ng pagbuga ng volcanic ash ng bulkang Taal.

Pero nilinaw na ng mga scientist na hindi kailangan ng mga taga-Metro Manila na mag-N95 mask dahil ligtas ang hangin, maliban lang kung sensitibo ang indibiduwal.

Sa halip, prayoridad umanong mabigyan ng N95 mask ang mga nananatili sa mga lugar malapit sa nag-aalborotong bulkan.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
profiteering
price manipulation
face mask
konsumer
Department of Trade and Industry
Maynila
N95 mask
Taal
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT