Mga kalsada nagkabitak-bitak kasabay ng pag-alboroto ng Taal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga kalsada nagkabitak-bitak kasabay ng pag-alboroto ng Taal

ABS-CBN News
Published Jan 14, 2020 05:01 PM PHT
|
Updated Jan 14, 2020 09:16 PM PHT

(UPDATE) Nakitaan ng mga bitak ang ilang kalsada sa Batangas, na umabot hanggang sa mga bahay, kasabay ng patuloy na pag-alboroto ng bulkang Taal ngayong Martes.

Sa bayan ng Lemery, kung saan maraming nakitang mga bitak sa lupa, umabot sa halos 3 kilometro ang haba ng bitak sa Barangay Sinisian East.

Nagsanga-sanga pa ang bitak at tumagos sa maraming bahay. Umabot sa 20 bahay ang nawasak dahil sa mga bitak.

Bukod sa Lemery, may mga nakita ring mga bitak sa mga bayan ng Talisay at San Nicolas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

May bitak din sa kalsadang nagdudugtong sa bayan ng Agoncillo hanggang Laurel, sabi ng Phivolcs.

Hirap tuloy ang mga motorista na dumaan sa mga kalsada, na mistulang nahati at umangat pa, at tanging light vehicles lang ang pinadadaan ng mga awtoridad.

Ang malalaking bitak ay nangangahulugang may aktibidad pa ring nangyayari sa ilalim ng bulkang Taal, tulad ng unti-unting pag-angat ng magma mula sa ilalim ng lupa, ayon kay Antonia Bornas, chief ng volcano monitoring division ng Phivolcs.

Patuloy pa ring nakapagtatala ang Phivolcs ng mga lindol, ayon kay Bornas.

Bahagya naman daw humina ngayong Martes ang aktibidad o pagbuga ng abo at lava fountain ng Taal pero hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko.

TALISAY, NAKA-LOCKDOWN
Samantala, ipinag-utos naman ng pamahalaang lokal ng Talisay, Batangas ang pag-lockdown sa bayan.

Ibig sabihin, mga awtorisadong opisyal at kawani ng gobyerno lang ang maaaring makapasok ng bayan.

Ipinag-utos ni Talisay Mayor Gerry Natanauan ang lockdown para mapigilan ang mga residenteng bumalik sa kanilang mga bahay, ayon kay Batangas police chief Dir. Edwin Quilates.

Layon din daw ng lockdown na mapigilan ang mga looter na manamantala o magnakaw sa mga bahay na walang tao.

Nag-deploy na ang pulisya at pamahalaang lokal ng mga tauhan para bantayan ang 5 entry at exit points sa Talisay.

Hihintayin muna daw ang rekomendasyon ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Phivolcs bago alisin ang lockdown.

EVACUEES DUMADAMI
Patuloy naman ang pagdami ng mga lumilikas sa Batangas kaya umabot na sa puntong maging ang mga simbahan at sabungan ay ginawa na ring evacuation center.

The National Shrine of St. Padre Pio in Sto. Tomas Batangas are now used also as evacuation center. They are now housing around 250 individuals affected by the eruption of Taal volcano. Non-food donations such as slippers, face masks, hygiene kits, and others are needed. pic.twitter.com/Ya6RXMT5W2
— Ron Gagalac (@rongagalac) January 14, 2020

Nasa 27,000 residente na ang iniwan ang kanilang mga tahanan at ngayo'y kalat-kalat sa higit 70 evacuation center.

Kabilang sa mga ginawang evacuation center ang National Shrine of Saint Padre Pio, isa sa mga pinakapopular at dinarayong simbahan sa Santo Tomas, Batangas, na tinutuluyan ng 250 evacuee.

Sa bayan ng Bauan, sa dami ng walang matuluyan, pati ang sabungan ay ginawang pansamantalang evacuation center.

Hindi man akmang paglikasan, binuksan na rin ni Eugene Hilera ang kaniyang sabungan para may masilungan ang mga kababayan.

Dumadami na rin ang evacuee sa Batangas Provincial Sports Complex sa Batangas City.

Sa Tagaytay City, kung saan nadagdagan din ang mga evacuee, nanawagan ng tulong ang ilang volunteers para sa gamot, kumot, at ready-to-eat na pagkain para sa mga lumikas.

Nangako naman ang Meralco na posible ang partial restoration o posibleng magkaroon na ng kuryente sa ilang bahagi ng Tagaytay ngayong gabi ng Martes, ayon sa pamahalaang lokal ng Tagaytay.

Higit 100 trak ang na-deploy ng Meralco sa Tagaytay at Alfonso, Cavite para simulan ang paglilinis ng mga insulator at maibalik sa normal ang suplay ng kuryente.

AGRIKULTURA APEKTADO
Sa Talisay, Batangas, problemado ang mga nag-aalaga ng tilapia sa Taal Lake, na isa sa mga pangunahing hanapbuhay doon, dahil wala umanong dealer na gustong kumuha ng isda dahil sa pag-alboroto ng bulkan.

Nagbabala rin ngayong Martes ang Department of Health laban sa pagkain ng mga isda mula Taal Lake dahil maaari umanong apektado ng sulfur mula sa bulkan ang mga isdang naninirahan sa lawa.

Hindi pa naghihigpit ang Philippine Coast Guard sa mga pumupunta sa lawa para asikasuhin ang mga fishpen sa Taal Lake.

Umaaray naman ang mga magsasakang malapit sa bulkan dahil sa pinsalang idinulot ng pag-alboroto ng Taal sa kanilang kabuhayan.

Ayon kay Louie Bayla, magsasaka mula Silang, Cavite, aasa na muli siya sa utang para makagtanim ulit.

Aabot umano sa milyong piso ang halaga na nawala sa kaniya matapos mabalot sa abo ang kaniyang saging, pinya at ornamental plant farm.

Magtatanong na lang din daw si Bayla sa eksperto kung ano ang puwedeng gawin sa mga pananim na nabalot ng abo.

Nag-umpisa noong Linggo ang pag-alboroto ng Taal. Pinangangambahan pa rin ng mga awtoridad ang posibilidad ng pagkakaroon ng malakas na pagsabog sa mga susunod na oras o araw.

-- Ulat nina Dennis Datu, Raya Capulong, Zhander Cayabyab, Ron Gagalac, Jorge Cariño, Angel Movido, at Warren de Guzman, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT