Higit 200 lindol naitala sa paligid ng Bulkang Taal | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 200 lindol naitala sa paligid ng Bulkang Taal

ABS-CBN News
Published Jan 14, 2020 02:59 AM PHT

MAYNILA—Aabot sa 240 lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Taal at mga kalapit na lugar.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, 140 rito ay naramdaman.

Magnitude 4.1 ang naitalang pinakamalakas habang Intensity 1 hanggang 5 ang saklaw nito.

Inaasahan pa rin ang mga lindol bunsod ng pagputok ng Taal Volcano na nakataas pa rin sa Alert Level 4.

ADVERTISEMENT
Una rito, sinabi ni Solidum na wala pa siyang nakikitang paghupa sa volcanic activity ng Taal, lalo't padami pa ang mga pagsabog.

Inabisuhan ang mga nagsilikas sa danger zones at mga kalapit na lugar na huwag na munang bumalik sa kanilang mga bahay.—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News