Tinapay na gawang Pinoy patok sa Hong Kong | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tinapay na gawang Pinoy patok sa Hong Kong

Jefferson Mendoza | TFC News Hong Kong
Published Jan 13, 2023 08:55 PM PHT

HONG KONG - Bumibida ang mga tinapay na gawa at lasang Pinoy sa Hong Kong. Hindi naging madali ang pagsisimula ng negosyo pero naging puhunan ng dalawang negosyanteng Pinay ang kanilang galing at dedikasyon.

Pitong taon na sa Hong Kong ang Pinay na si Din Singzon. Tatlong taon siyang abugado sa Myanmar, pero nagpasyang maging housewife nang lumipat sa Hong Kong. Hirap kumilos at bumiyahe nang tumama ang pandemya noong 2020 at dahil na-miss niya ang paboritong Ube Cheese Pandesal sa Pilipinas, naisipan niyang magbukas ng sariling baking business.

Sa bahay muna niya ito sinimulan at hindi nagtagal, dumami na ang order kaya umupa na siya ng kusina at ipinarehistro ito. Kasama ang kaibigang si Veronica Leung, binuksan nila ang Purple Flour Hong Kong noong August 2020. Ngayon gumagawa sila ng ube pandesal, cake, at iba’t-ibang uri ng bread products.

“If your work is not fuelled by passion, people will feel it. I know it can be daunting and difficult to think about starting something but just do baby steps,” sabi ni Din.

ADVERTISEMENT
Kasagsagan din ng pandemiya nang sinimulan ng Pinay na si Angela Santos ang kanyang bakery business. Nag-train siya at kanyang asawa sa isang baking school nang magbakasyon sa Pilipinas. Ibinebenta niya online ang kanyang mga produkto gaya ng ube cheese pandesal, iba’t-ibang tinapay at cake.

“As an owner sa ibang bansa, alam ko po na mahirap na pagsabayan ang ibang lahi pag nasa ibang bansa. Pero as long as i-push mo at dream mo at gustiog magkaroon ng sariling business, sa ibang bansa, you have to do it and take a risk. Also you need to sacrifice for the business you want to have in the future,” ani Angela.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT