Mga inakusahan sa Dacera case bumuwelta, may paratang sa Makati police | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga inakusahan sa Dacera case bumuwelta, may paratang sa Makati police

Mga inakusahan sa Dacera case bumuwelta, may paratang sa Makati police

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 13, 2021 08:34 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Idinaos nitong Miyerkoles sa Makati City Prosecutor's Office preliminary investigation sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Dumating doon ang 7 respondents sa kasong rape with homicide na isinampa sa kanila ng kampo ng pamilya Dacera, habang ang 4 naman ay nagpadala lang ng abogado.

Doon, binawi ni JP Dela Serna ang nauna nitong testimonya na noong Enero 1 ay may ipinakita sa kanya ang isang Mark Anthony Rosales na "powder drugs" na kinuha mula sa kaniyang medyas.

Sa bagong affidavit, sinabi ni Dela Serna na pinilit lamang siya ng Makati police na sabihin ito kasabay ng pananakot na maaari siyang mabulok sa bilangguan.

ADVERTISEMENT

Sinabi rin sa affidavit na pinilit lang sina Dela Serna at Rommel Galido na pirmahan ang mga salaysay na pawang nakahanda na.

Dagdag pa ni Dela Serna, pulis ang nag-suggest kung ano ang sasabihin sa kanyang salaysay tungkol sa drugs.

"The powder issue insinuating drug use actually came from the mouth of Makati police," sabi ni Abigail Portugal, isa sa mga legal counsel ng respondents.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot ang hepe ng Makati police na si Col. Harold Depositar kaugnay sa akusasyon.

Dumating din ang ina ni Christine na si Sharon pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa tagapagsalita ng pamilya Dacera, may "cover-up" daw na nangyari.

"The best way to reply is when we have the NBI result [ng second autopsy] kasi sa aming pagtingin may participation ang investigation process sa cover-up," paratang ni Brick Reyes, abogado at spokesman ng pamilya Dacera.

Dagdag pa ni Reyes, tuloy ang reklamo nila laban sa medico-legal officer na si Police Maj. Michael Sarmiento na siyang nag-examine sa mga labi ni Christine.

"We don't understand why na-order ang embalmment before the medico-legal examination so we requested a second autopsy report and hopefully lalabas 'yun very soon," sabi ni Reyes.

Sa Enero 27 itutuloy ang preliminary investigation sa Dacera case.

–Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.