Sunog na bangkay natagpuan sa tabi ng sapa sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2020 03:13 AM

Isang sunog na bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa Barangay San Jose Malino sa bayan ng Mexico, Pampanga, Linggo ng umaga. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napansin ng noo'y dumadaang residente ang usok sa tabi ng irrigation dike sa tabi ng sapa sa barangay.

Inautopsy na ng crime lab ang bangkay at sa initial assessment, walang nakitang tama ng bala o tinamong saksak ang biktima, pero maari umanong sinakal ito.

Dagdag pa ng awtoridad, maaring patay na ang biktima bago sinunog gamit ang gulong.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang kumukuha sa bangkay. 

Wala rin umanong naiulat na nawawalang tao sa lalawigan kaya nakikipag-ugnayan na ang Pampanga police sa mga karatig-lalawigan para sa posibleng pagkakakilanlan ng bangkay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.