4 rebeldeng komunista, sumuko sa Aurora

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2021 04:35 AM

Kuha ng PRO-3

Apat na miyembro ng isang grupo ng mga rebeldeng komunista umano ang sumuko sa mga awtoridad sa Aurora nitong Lunes.

Ayon sa Police Regional Office 3, kusang-loob na sumuko ang mga rebelde, na dating mga miyembro ng Militiang Bayan at residente ng bayan ng Dipaculao.

Nanawagan ang regional director ng PRO-3 na si Police Brig. Gen. Valeriano de Leon sa mga aktibo at dating miyembro ng naturang grupo na isuko na ang kanilang mga armas at magbagong buhay.

Ang pagsuko ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP alinsunod sa Executive Order No. 70 ni President Rodrigo Duterte laban sa mga terorista at mga komunistang grupo sa bansa.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.