#WalangPasok: Lunes, Enero 13, 2020 dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2020 05:52 PM | Updated as of Jan 13 2020 06:13 AM

MAYNILA (8th UPDATE) - Kanselado ang pasok sa mga lugar na ito sa Lunes, Enero 13 kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Kabilang sa mga lugar na nag-anunsiyo ng suspensiyon ng klase ang mga sumusunod:

LAHAT NG ANTAS:

CALABARZON

  • Batangas 
  • Cavite 
  • Laguna
  • Quezon province
  • Rizal

CENTRAL LUZON

  • Aurora
  • Bataan
  • Bulacan
  • Nueva Ecija
  • Pampanga
  • Tarlac
  • Zambales

METRO MANILA

  • Caloocan
  • Las Piñas
  • Makati
  • Malabon
  • Mandaluyong
  • Manila
  • Marikina
  • Muntinlupa
  • Navotas
  • Parañaque
  • Pasay
  • Pasig
  • Pateros
  • Quezon City
  • San Juan
  • Taguig
  • Valenzuela

Suspendido na rin ang pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno sa bayan ng Alfonso sa Cavite, ayon kay Mayor Randy Salamat.

Wala na ring pasok ang lahat ng government offices sa buong probinsiya ng Bulacan, ayon kay Daniel R. Fernando.

 

Kasalukuyang nakataas ang alert level 4 sa bulkan.

Huling naitala ang pinakamalaking pag-alboroto ng bulkan noong Oktubre 3, 1977.

Pinalilikas na ng Phivolcs ang mga residente na nasa Taal Volcano island.

Pinaghahanda na rin ng Phivolcs ang mga nakatira malapit sa Taal Lake.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.