ALAMIN: Benepisyo ng SSS, PhilHeath para sa COVID-19 patients | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Benepisyo ng SSS, PhilHeath para sa COVID-19 patients

ABS-CBN News
Published Jan 11, 2022 07:59 PM PHT

MAYNILA — May home isolation benefit package na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga nagpopositibo sa COVID-19 na pinili na sa bahay na lang magpagaling.

Kasama dito ang pamamahagi ng COVID-19 care kit na may lamang face masks, alcohol, pulse oximeter, thermometer, gamot at supplements, PPE, at mga libreng teleconsultation.

Ang provider o ospital ang magbibigay nito sa pasyente at hindi direkta mula sa opisina ng PhilHealth.

'Yun nga lang, 6 na ospital at pasilidad lang ang accredited sa ngayon sa La Union, Nueva Ecija, Cavite, at Misamis Oriental. Wala ni isang nasa Metro Manila.

ADVERTISEMENT
Nauna nang sinabi ng PhilHealth na hinihikayat nila ang mga ospital na mag-apply ng accreditation para mas maraming makinabang dito.

"They have to apply with us muna kasi there's an assessment tool, parang checklist 'yun para lahat ng requirements namin ay nand'on, na there's a doctor na puwedeng tumingin sa patients, may referral facilities sila para kung mag-deteriorate ang pasyente puwede nila i-refer," paliwanag ni PhilHealth spokesperson Shirley Domingo.

Sa Social Security System (SSS) naman, puwedeng mag-file ng sickness benefit claim ang magkakaroon ng COVID-19, naospital man o sa bahay lang nagpapagaling basta't may medical documents para dito.

Kailangan lamang ng sickness benefit application form at valid government ID.

—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT