NBI nakakuha ng bagong ebidensiya sa ika-2 autopsy ng bangkay ni Dacera | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

NBI nakakuha ng bagong ebidensiya sa ika-2 autopsy ng bangkay ni Dacera

NBI nakakuha ng bagong ebidensiya sa ika-2 autopsy ng bangkay ni Dacera

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – May nakikitang pag-asa ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon ukol sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera matapos suriin muli ang kaniyang bangkay bago ilibing sa General Santos City.

Tatlong kahon ng biological samples ang nakuha ng NBI sa re-autopsy sa katawan ni Dacera, na sinasabing maaaring susi na makakatulong sa paglutas sa kaso niya.

Bukod pa ito sa mahahalagang ebidensiya raw sa crime scene na kanilang narekober.

"Despite al the odds, may encouraging leads kami... Eighty percent makakatulong ito sa investigation," ani NBI Deputy Director Ferdinand Lavin.

ADVERTISEMENT

Limang oras nag re-autopsy ang NBI sa GenSan bago nilibing si Dacera.

Naniniwala ang NBI na may nangyaring krimen.

"Maaaring may crime. Let's limit it to that," sabi ni Lavin.

Sa Biyernes inaasahang lalabas na ang resulta ng mga laboratory test at re-autopsy ng bangkay ni Dacera.

–Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.