SUV owner, nakipag-areglo sa 12 inararong sasakyan sa Mandaluyong | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SUV owner, nakipag-areglo sa 12 inararong sasakyan sa Mandaluyong

SUV owner, nakipag-areglo sa 12 inararong sasakyan sa Mandaluyong

Reinel Pawid,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakikipag-areglo sa mga biktima ang kampo ng may-ari ng SUV na nang-araro ng 12 sasakyan sa Mandaluyong City Martes ng umaga.

Lulan ng SUV ang 19-anyos na estudyante at kanilang family driver.

Sa imbestigasyon ng Mandaluyong Police, nagsimulang makabangga ng ibang sasakyan ang SUV sa kahabaan ng San Miguel Avenue.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang SUV driver dahilan upang sumalpok sa mga sasakyan.

ADVERTISEMENT

Umabot sa 13 indibidwal ang nasugatan dahil sa insidente.

Nakipag-usap na sa mga biktima si Atty. Paul Roldan, ang may-ari ng SUV na siya ring ama ng estudyanteng pasahero at employer ng SUV driver.

"So far there were 13 who submit their statements. We managed to come to terms to four of them whose vehicles sustained minor damages. There are still some who are in the hospitals which we intend to help also we already talked to the relatives. As per my information, two were not able to come here today because they are still in the hospital, there were three who’ve got admitted but were discharged," dagdag ni Roldan.

Nilinaw ni Roldan na may komunikasyon na rin sila sa pamilya ng dalawa pang biktima na nasa ospital.

"I’ve talked with the daughter of one of them. We come to make terms as long as they are reasonable. We are relieved that no one died," ani Roldan.

ADVERTISEMENT

Samantala, itinanggi rin ni Roldan ang posibilidad na ang kanyang 19-anyos na anak ang nagmamaneho ng SUV.

Bukas magsisimula ang inquest laban sa SUV driver na kinilalang si Dominador Varga. Si Roldan na rin ang tatayong legal counsel ni Varga.

Nahaharap si Varga sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.