Ilang lugar sa Samar binaha dahil sa pag-ulan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang lugar sa Samar binaha dahil sa pag-ulan

ABS-CBN News
Published Jan 10, 2021 01:06 PM PHT

Lubog sa baha ang ilang lugar sa Samar Island ngayong Linggo dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Sa Eastern Samar, binaha ang ilang barangay sa bayan ng Jipapad matapos tumaas ang tubig sa mga ilog madaling araw ng Linggo.

Bukod sa mga bahay, lubog din ang ilang pasilidad ng munisipyo.

Matatandaang huling nakaranas ng matinding pagbaha ang Jipapad noong manalasa ang Bagyong Ambo noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT
Binaha rin ang ilang bahagi ng Catubig sa Northern Samar.

Sa mga retratong kuha ni Jennifer Acdang, makikitang abot hanggang tuhod ang baha sa bayan at pinasok din ang ilang bahay.

Samantala, sa Allen, Northern Samar, isang lane lang ang maaaring magamit ng mga motorista sa kalsada sa Barangay Calarayan matapos matabunan ng lupa ang isa pang lane.

Bunsod din umano ito ng patuloy na pag-ulan sa lalawigan.

Ayon sa lokal na Department of Public Works and Highways, nagsasagawa naman na sila ng clearing operation sa daan.

-- Ulat nina Ranulfo Docdocan at Sharon Evite
FROM THE ARCHIVES:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT