VIRAL: Pangalan ng konsehal nakatatak sa pamigay na bulaklaking panty | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Pangalan ng konsehal nakatatak sa pamigay na bulaklaking panty

VIRAL: Pangalan ng konsehal nakatatak sa pamigay na bulaklaking panty

Patrick Quintos,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 10, 2019 04:06 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Viral sa social media ang larawan ng isang panty na bulaklakin ang disenyo sa harap at may pangalan ng konsehal sa likod na bahagi.

Ayon kay Aica Abarabar, na siyang nag-post ng larawan sa social media, bigay lamang ito sa kaniya ng isang kaibigan at hindi niya alam kung saan ito mismo nanggaling.

Sinubukan naman ng ABS-CBN News makausap si Quezon City Councilor Ramon "Toto" Medalla, ang siyang pangalan na nakatatak sa panty. Isang re-electionist ang konsehal sa darating na halalan.

Napag-alaman na sa Enero 21 pa ang balik nito sa opisina para sa sesyon ng konseho.

ADVERTISEMENT

Nang tanungin naman ang isang legislative staff ng konsehal, inamin nitong galing nga sa opisyal ang viral na panty pero hindi aniya ito para sa kampanya kundi premyo lamang sa isang palaro.

"Legit po siya," ani Red Sarte, staff ni Medalla, nang tanungin kung tunay bang galing sa opisyal ang viral underwear. "Kaso para lang po siya sa pa-game ... Mayroon silang parang 'Sugod Barangay.'"

Sabi ni Sarte, mas mabuti na makausap ang konsehal para sa detalye ng naturang palaro na isinagawa.

Una nang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na dapat ipagbawal ang ganitong klaseng mga materyal dahil ipinapakita nito bilang "sex objects" ang kababaihan.

Kahit si Comelec spokesperson James Jimenez, hindi rin ikinatuwa ang bagay na ito.

"Well, hell. That's not exactly what politicians want to be known for, is it?" ani Jimenez.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.