Baril na ginamit sa pagpatay kay Batocabe, nakuha sa septic tank | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Baril na ginamit sa pagpatay kay Batocabe, nakuha sa septic tank

Baril na ginamit sa pagpatay kay Batocabe, nakuha sa septic tank

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Narekober ng awtoridad sa septic tank sa bahay ng suspek na si Emmanuel Rosillo ang baril na ginamit sa pagpatay kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Rosillo, itinapon niya sa septic tank sa tabi ng kanilang bahay ang kalibre .45 baril na ginamit ng gunman na si Rolando Arimado matapos ang krimen noong Disyembre 22.

Si Rosillo ang umamin na drayber ng getaway vehicle na ginamit ng mga suspek.

Matapos pumirma sa waiver ng kaniyang asawa, binungkal ng awtoridad ang septic tank kung saan isa-isang nakuha ang mga bahagi ng kinalas na baril, dalawang magazine at mga bala.

ADVERTISEMENT

May tatlong basyo rin ng bala na nakuha sa septic tank.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group Region 6 Chief Senior Superintendent Arnold Ardiente, magiging bahagi ito ng critical evidence na magpapatunay sa sinasabi ni Rosillo sa kaniyang testimonya.

Ayon naman sa asawa at ina ni Rosillo, wala silang alam na sa septic tank nila itinago ang baril. Sa telebisyon na rin lamang umano nila nalamang sangkot ito sa pagpatay kay Batocabe.

Balak ipadala ng pulisya sa crime laboratory sa Camp Crame ang mga nakuhang ebidensiya para masuri kung tutugma ito sa nakuhang slug at cartridges sa crime scene sa Daraga, Albay.

Watch more in iWantv or TFC.tv

- Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.