ALAMIN: Ano ang kasaysayan sa likod ng 'dungaw' sa Traslacion? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang kasaysayan sa likod ng 'dungaw' sa Traslacion?

ALAMIN: Ano ang kasaysayan sa likod ng 'dungaw' sa Traslacion?

ABS-CBN News

Clipboard

Pinakakaabangan na rin sa gitna ng Traslacion ang tradisyong "dungaw" kung saan nagtatagpo ang mga imahen ng Del Carmel de San Sebastian at poon ng Itim na Nazareno. Mark Demayo, ABS-CBN News

Simula nang buhayin ng San Sebastian Basilica ang tradisyunal na "dungaw" ay hindi na lang ang Quiapo Chruch at Quirino Grandstand ang dinudumog ng mga tao tuwing Traslacion.

Pinakaaabangan na rin kasi ang tila pagtatagpo at "pagdungaw" ng imahen ng Del Carmel de San Sebastian at ng poon ng Itim na Nazareno na nagaganap sa bandang Plaza del Carmen.

Paliwanag ni Fr. Rommel Rubia, ang dungaw ay isang tradisyon na minana ng mga Pilipino mula sa mga Kastila.

"This is the practice na kung may procession na dadaan at mayroon kang processional image na hindi kasama sa procession, idinudungaw mo sa bintana," ani Rubia.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Rubia, sa nakalipas na limang taon, kapansin-pansin na nagiging tahimik ang lahat tuwing "dungaw."

"That is the only time na walang nagtatapon ng bimpo, walang nagtatapon ng puting handkerchief, that's the only time na walang umaakyat doon sa Poong Nazareno," kuwento ng pari.

Sa bilis ng pag-usad ng andas nitong Miyerkoles sa Traslacion, kinansela ang 6 p.m. Mass sa San Sebastian Basilica dahil sa pag-aakalang mapapaaga ang pagdating ng Itim na Nazareno.

Pero pasado alas-10:30 ng gabi na ito nakarating, at agad naman inakyat ang imahen ng Our Lady of Mt. Carmel de San Sebastian sa balkonahe para sa pagdungaw nito sa naghihirap na imahen ng Poong Nazareno.

Pansamantalang huminto ang andas sa Plaza del Carmen kung saan nakapagdasal ang mga deboto.

ADVERTISEMENT

Pero sa kasagsagan ng dungaw, may mga hinimatay at kinapos ng hininga sa emergency stations.

Pagkatapos ng dungaw, muling umusad ang andas para makabalik ng Quiapo Church.

Para sa maraming deboto, walang kapantay ang payapa at masaya nilang pakiramdam nang makita ang pagtatagpo ng imahen ng Del Carmel de San Sebastian at poon ng Itim na Nazareno. —Ulat ni Bettina Magsaysay, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.