Preso tinambangan habang papunta sa hearing | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Preso tinambangan habang papunta sa hearing

Angie Saniel,
ABS-CBN News
Published Jan 09, 2019 01:38 PM PHT
|
Updated Jan 09, 2019 04:40 PM PHT

ARGAO, Cebu – Patay sa pananambang dito sa bayan ang isang preso habang papunta sa hearing ng kaniyang kaso, Miyerkoles ng umaga.

Naganap ang pamamaril kay Tocelio Dibalucos Ababon alas-10 ng umaga sa national highway ng Sitio Lala-an sa Barangay Bulasa habang sakay ng patrol car kasama ang escort mula sa Cebu Provincial Police Office.

Si Ababon ang kinilalang right-hand man umano ng self-confessed drug lord na si Franz Sabalones.

Nagtamo siya ng tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo at nadala pa sa Argao District Hospital pero binawian rin ng buhay.

Wala namang natamaan sa mga pulis.
Wala namang natamaan sa mga pulis.
Ayon sa pulisya, high-value target umano si Ababon na naaresto noong Disyembre 29, 2018 sa isang buy-bust operation sa parehong bayan kung saan narekober mula sa kaniya ang P10.2 milyon na halaga ng ilegal na droga.