Seguridad sa Quiapo Church, mas pinaigting para sa #Nazareno2024 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Seguridad sa Quiapo Church, mas pinaigting para sa #Nazareno2024

Seguridad sa Quiapo Church, mas pinaigting para sa #Nazareno2024

Karen de Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Mas pinaigting pa ang seguridad sa Quiapo Church kung saan kinakailangang dumaan sa security checkpoint ang mga deboto na papasok sa loob ng simbahan.

Upang masiguro na ligtas ang mga deboto sa pagdiriwang ng #Nazareno2024, naglagay ng mobile x-ray at walkthrough detector ang pulisya sa Plaza Miranda.

“‘Pag tumunog, ifi-freeze. Tapos saka sila papasok dito sa staging area. So ‘yung mga pinagbabawal of course ‘yung mga deadly weapon, alak bawal din kasi liquor ban, ‘yung mga baril bawal din kasi gun ban,” ayon kay PCpt. Roel Robles, hepe ng Plaza Miranda PCP.

Maliban sa liquor ban at gun ban, ipinagbabawal na rin ang mga paputok at pyrotechnic devices sa pagdiriwang ng Nazareno, alinsunod sa Executive Order No. 2 ng Manila LGU na inilabas noong Biyernes.

ADVERTISEMENT

Maaaring makasuhan ang mga lalabag sa kautusan at kukumpiskahin din ang mga ipinagbabawal na gamit.

Aminado naman ang pulisya na magkakaroon ng pagkakaantala bago makapasok sa loob ng Quiapo Church, pero para naman daw ito sa kaligtasan ng lahat.

“May konting delay pero ang maganda safe naman tayo. At saka nilayo na natin dun sa simbahan para dire-diretso ‘yung proseso natin,” sabi ni PCpt. Robles.

Nagpaalala naman ang pulisya na iwasan ang pagdadala ng maraming gamit at agahan ang pagpunta sa simbahan upang makaiwas sa anumang abala.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.