Babaeng tumatawid sa pedestrian lane, nabangga, tinakbuhan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng tumatawid sa pedestrian lane, nabangga, tinakbuhan

ABS-CBN News
Published Jan 07, 2018 08:16 PM PHT
|
Updated Jul 04, 2019 04:21 PM PHT

Nasa malubhang kalagayan ang isang ginang matapos mabundol ng sasakyan habang tumatawid sa isang pedestrian lane sa Los Baños, Laguna.

Nagpapagaling ngayon sa ospital ang biktmang si Lynn Gayahan matapos mahagip ng humaharurot na pick-up noong Enero 3, pasado alas-6 ng umaga sa Barangay Anos, Los Baños.

Nakuhanan pa ng CCTV ang insidente.
Nakuhanan pa ng CCTV ang insidente.
Sa lakas ng pagkabangga, tumilapon pa si Gayahan ng ilang metro.

ADVERTISEMENT
Saglit na napahinto ang kotseng nakabundol pero bigla rin itong tumakbo papalayo sa pinangyarihan.

Nagtamo si Gayahan ng maraming sugat, bali sa buto, at internal injuries.

Ayon kay Gayahan, pauwi sana siya matapos ihatid ang anak sa paaralan nang masagasaan.

"Wala po talaga akong pagkakamali sa pagtawid na iyon eh," sabi ni Gayahan sa panayam ng ABS-CBN News.

Nakipag-ugnayan na ang abogado ng nakabanggang sasakyan sa biktima.
Nakipag-ugnayan na ang abogado ng nakabanggang sasakyan sa biktima.
ADVERTISEMENT
Pero masama ang loob ng biktima dahil higit P10,000 lang ang ibinigay sa kanila samantalang higit P50,000 na ang running bill sa ospital.

Ang mga kaanak pa ng biktima umano ang pinag-asikaso para makuha ang insurance.

"Siya naman ang naka-aksidente sa akin ... kung puwede po magpakilala naman po kayo, ang pinapunta niyo lang po dito abogado niyo," ani Gayahan.

Nagpaalala ang mga tauhan ng barangay na igalang ng mga motorista ang pedestrian lane.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
krimen
CCTV
hit and run
Laguna
TV Patrol
TV Patrol Weekend
Jerome Lantin
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT