67 general, colonel ng NCRPO lumagda sa kanilang courtesy resignation | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

67 general, colonel ng NCRPO lumagda sa kanilang courtesy resignation

67 general, colonel ng NCRPO lumagda sa kanilang courtesy resignation

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Pumirma na ng kani-kanilang courtesy resignation ang 67 mga heneral at colonel ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Biyernes.

Ito ang naging sagot ng NCRPO sa panawagan ni DILG Sec. Benhur Abalos na courtesy resignation sa gitna ng isyu na may mga matataas na opisyal ng PNP ang sangkot umano sa iligal na droga.

Biyernes ng hapon, magkakasunod na dumating sa multi-purpose hall sa Camp Bagong Diwa sa Taguig sina Maj. Gen. Jonnel Estomo at iba pang mga opisyal.

Unang inanunsyo ni Estomo ang pagpirma niya sa kanyang sariling courtesy resignation bilang pagpapakita ng suporta sa internal cleansing ng DILG sa PNP.

ADVERTISEMENT

“Dala ko na po ngayon, bilang regional director ng NCRPO ang aking pinirmahan na courtesy resignation. Kasama rin po yung aking mga tauhan, 67 po kami lahat, 100 percent po ang NCRPO para suportahan po ang ating SILG at ang ating Chief of the Philippine National Police,” sabi ni Estomo.

67 general, colonel ng NCRPO lumagda sa courtesy resignation

Sabi ng NCRPO, lahat ng courtesy resignation ay isusumite sa tanggapan ni Abalos at sa tanggapan ng Pangulo.

Boluntaryo din umano ang pagpirma ng mga ito sa kanilang courtesy resignation at walang naging pilitan.

Sinundan ito ng sorpresang mandatory drug testing sa lahat ng 67 third level officials ng NCRPO.

“Suporta lang namin ito sa ginagawang cleansing ng ating SILG at ng aming Chief PNP. Ngayon, kung meron saming isa rito at mag-positive…outright tanggal sa posisyon yan at imbestigahan po natin yan,” babala ni Estomo.

Sabi ni Estomo, resulta lang din ito ng serye ng pagkakakaladkad ng imahe ng PNP sa iligal na droga.

Nang matanong si Estomo kung bakit kailangan pang magkaroon ng courtesy resignation at hindi na lang kasuhan ang mga dapat kasuhan, sabi niya ay walang ibang mas nakakaalam ng sagot kundi ang Chief PNP mismo.

Binigyang diin ni Estomo na walang utos ang Camp Crame sa aksyon na ito ng NCRPO kundi tugon lang sa apela ni Abalos.

Inaasahan na ngayong gabi ay mailalabas na rin ang inisyal na resulta ng drug testing sa mga opsiyal ng NCRPO.

Kasama sa 67 opisyal ng NCRPO na nagsumite ng courtesy resignation si Southern Police District director Brig Gen. Kirby John Kraft.

Sabi ni Kraft, suportado nila ang internal cleansing sa kanilang hanay. Nananatili din aniyang mataas ang morale ng kanilang mga pulis sa SPD.

“Sa ngayon very high morale pa rin ang SPD, patuloy pa rin kaming nagtatrabaho at patulong kaming paninindigan yung aming sinumpaang tungkulin,” sabi ni Kraft.

Samantala, 36 colonels din mula sa regional police office ng Central Visayas ang nagsumite ng courtesy resignation.

--May ulat ni Annie Perez

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.