Barko nagkaaberya sa Misamis Occidental; higit 100 pasahero nailigtas | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barko nagkaaberya sa Misamis Occidental; higit 100 pasahero nailigtas

ABS-CBN News
Published Jan 06, 2020 09:50 AM PHT

MAYNILA - Nailigtas ang 130 pasaherong lulan ng isang barko matapos itong magkaaberya sa karagatang sakop ng bayan ng Plaridel sa Misamis Occidental, Lunes ng madaling araw.

Pinasok ng tubig ang kanang parte ng barkong Ocean Jet 7 matapos masira dahil sa malakas na hangin, ayon sa paunang ulat na nakarating sa Philippine Coast Guard headquarters.

Nagpadala ng rescue team ang Coast Guard at tumulong din ang lokal na pamahalaan gamit ang nasa 20 rescue boats malapit sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente.

Lulan ng barko ang 271 pasahero at 17 ang tripulante. Papunta sana ito ng Tagbilaran nang mangyari ang insidente.
Lulan ng barko ang 271 pasahero at 17 ang tripulante. Papunta sana ito ng Tagbilaran nang mangyari ang insidente.
ADVERTISEMENT
Patuloy ang pagsaklolo sa natitirang pasahero.

--Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
--Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT