Babae, arestado sa tangkang pagdukot sa bata | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae, arestado sa tangkang pagdukot sa bata

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Jan 06, 2019 08:03 AM PHT
|
Updated Jan 06, 2019 07:49 PM PHT

MANILA - Arestado ang isang babae matapos umano nitong tangkaing dukutin ang isang 3-taong gulang na bata sa Brgy. 769, Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Charito Fernandez, na nahaharap sa kasong attempted kidnapping.

Inaalam pa kung miyembro ng sindikato ang suspek dahil umamin umano ito na dinadala niya sa isang van ang mga dinudukot na bata at binabayaran siya ng P20,000.

Ayon sa pulisya, pasado 8 p.m. ng gabi nang sapilitang kunin ni Fernando ang bata sa labas ng isang tindahan sa kanto ng Dagonoy at Esmeralda St.

Agad itong nakita ng ama ng biktima kaya ito tumakbo para habulin ang suspek. Nabawi agad ang bata mula sa babae.

Kumaripas pa rin ng takbo ang suspek at pumasok pa sa ibang bahay para magtago pero doon na siya naaresto.

Bago rito, kumalat na rin ang larawan ng suspek sa social media matapos ding ireklamo ng pangunguha ng mga bata.